Mahilig kumain ang mga pinoy. Kaya naman sa lahat ng oras ay madaming tao sa mga kainan. May agahan, tanghalian, meryenda at hapunan. Minsan pa nga ay meron pang kung ano mang tsitsirya sa pagitan! Kaya naman ng minsang lumabas kami para kumain ng tanghalian ay talaga namang nanibago ko nang halos walang tao sa isang kilalang fastfood! Aba, kung sa Pinas ito ay napakahaba na ng pila at puno na ang bawat lamesa at upuan. Kayo naman kinunan ko ito ng litrato, parang ebidensya lang ba!
O di ba, walang tao! Kami lang ng asawa ko. Kaya nga nasabi ko sa kanya, na unang beses kong nakaranas ng ganito. Sa Pinas pa nga bukas 24 oras ang ibang kainan, pero lagi pa ring merong kumakain. Aba, maiisip mo bang mahirap ang mga pinoy? Hingi kaya! Sagana tayo sa pagkain!

