Ano ba ito? Sino ka ba?

Ako ay isang pinay na napadpad sa Amerika ng dahil kay kupido. Korni – pero totoo. Di ko naisip na ako ay titira sa ibang bansa, lalo na sa Amerika. Kung baga wala akong “American dream” dahil kontento ako sa buhay ko sa Pilipinas. Hindi kami mayaman, hindi rin mahirap – katamtaman lang, at masaya at alam ko na sa konting pagsisikap ay mas lalong aasenso ang buhay… ngunit may ibang plano pala para sa akin. May isang lalaking bumisita sa Pilipinas at kami ay nagkakilala, mula noon ay nag-iba na ang direksyon ng buhay ko. Siya ay kalahating pinoy – ang nanay niya ay isang pinay, at pinagmamalaki nya ito. Kung hindi niya mahal ang pagiging pinoy nya, malamang hindi kami magkakatuluyan dahil hindi ako papayag na mamaliitin ng iba ang pagiging pinay ko.

Mag-iisang taon na ko dito sa Amerika, kung baga bagong salta pa rin. Medyo sanay na ko sa buhay dito pero syempre maraming pa ring “adjustment” kung tutuusin. Napakaraming papeles ang aming isinasikaso, prang pakiramdam ko nga eh nagsimula ako ulit sa umpisa. Simula ng pagdating ko dito, di ko mapigilan kundi ikumpara ang Pilipinas at Amerika. Parehong may mga magaganda, meron di naman hindi rin kagandahan. Kaya naisip kong isulat ang blog na ito, pra ibahagi ang aking mga pagmumuni-muni lalo na sa aking mga kababayan. Kaya nga tagalog ko ito sinusulat dahil para sa mga pinoy ito, at lalo na dun sa mga gustong makarating dito.

Naisip ko ang title na walang ganyan sa pinas dahil naalala ko ang commercial ng jollibee dati. May isang lola na nanggaling sa Amerika at bumisita sa Pilipinas, puro reklamo sya at panay ang sabi ng walang ganyan sa States! Pero ng nakita nya ang kanyang mga apo – may nagsabi ng walang ganyan sa States – at oo nga, mas masaya ang samahan ng pamilya. Marahil nga maraming wala sa Pinas na meron dito sa Amerika, pero marami din ang meron sa Pilipinas na wala dito. At syempre kung ano ang wala sa iyo, yun ang hahanap-hanapin mo.

Sana magbigay ng aliw ang mga naisusulat ko dito. Salamat sa pagbasa ninyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.